Alas Dos na ng umaga ng ako'y nagising, naramdaman ko ang lamig ng hangin na bumabalot sa buo kong katawan, pilit kong ibinukas ang tinatamlay kong mga mata upang tignan ang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin, ngunit dala na rin ng aking katamaran ito'y ipinikit ko na lamang at bumalik sa aking pagkatulog. Ngunit may isang malakas na tinig ang biglang bumulalas sa aking tenga, na pakunwari pa na ako't di ko narinig, nangatog ang buo kong katawan sa sobrang takot na wari ba'y may tumitingin sa akin, nararamdaman ko ang kandong nito sa aking dibdib, isang maliit na bagay na gumagalaw sa aking dibdib, ako'y nangamba at binalutan ng nginig at nagmadaling bumangon papunta sa sulok ng kwarto.
Hinanap ko ang pintuan ngunit di ko ito mahanap, sapagkat napakadilim kwarto at ang nag-iisa lang ang pintuan palabas. Binabalot na ako ng takot, lumalamig na ang paligid, tumataas na ang tensyon, nanginginig na ang aking katawan, ni hindi ko maibukas ang aking bunganga upang humingi ng saklolo, may isang bagay akong nakita na ikinasindak ko, isang maliit na bagay na wair'y ang mga nito'y nakatitig sa akin, na para bang kakainin ako ng buo, napako ako sa aking kinalalagyan, at wari bang wala na akong pag-asa na makatakas sa uhaw na matang iyon. Nang biglang may pumasok sa kwarto ko, pinindot ang switch ng ilaw at hinanap ang tuta niya. Na sa pagkatakot ko'y tinapunan ko ng arinola na sa pasasalamat ko'y walang lamang wiwi.
Napatanong siya " Bat parang nakakita ka ng multo?" habang papalapit xa sa tuta na hinahanap na sa mga panahong yon ay naka-upo lamang sa aking harapan at ako'y pinagmamasdan na sa pag aakala kong tiyanak.
*sigh. wala lang akong magawa e. kaya gumagawa ako ng entry ngayon. Hope you Like it. Medyo Korni pero wala lang. Dadaan daan lang naman ako sa blog ko e. Ano sa tingin mo ang entry na to? Critic mo.
No comments:
Post a Comment