I'm tired, bored and sleepy as the weather continuously cries over and over . My mind is drifting aimlessly as this boring day strives to be as boring as ever. Kahapon, kakatapos ko lang iset-up ang laptop ng uncle ko pati na rin ang bluetooth nya sa N70 nya. *sigh. though hindi naman nakakapagod mag set up, ang nakakapagod lang ay ang bumiyahe ng pagka layo layo para iset-up lang ang laptop. Then punta kami kahapon sa SSS, nagbabad ang uncle at mama ko sa loob ng government building for about an hour para magbayad ng tax ng OFW. Medyo na bored rin ako sa kakahintay sa kanila habang bitbit ko yung laptop, so i decided na lumabas na lang muna and pave my way out from that mundane establishment, then maghanap ng loading station for my globe sim, yep! my globe sim, nagamit ko rin kasi walang available na 25pesos na pang load for sun, 15 pesos lang naman e so hindi masakit sa bulsa. Then may nahanap akong isang japanese restaurant, unfortunately, close pa xa, open lang xa during lunch time and hapon, same ata schedule nung isang resto sa marfori. Di ko nakuha ang name ng resto kasi di ako marunong magbasa ng kanji characters pati na hiragana at katagana, well konti lang. Kita naman sa labas ang itsura ng resto, maliit lang sya, tsaka siguro masarap ang food dun.
*sigh.. wala lang.. ka chat ko ngayon si steven. Pinagmamalaki ang bagong OS nya na MAC. Cute yung OS nya. Eto oh :yan po yung OS nya, cute no? pero mas cute linux ko. anyway, speaking of LINUX and OS. DiniDL ko yung Adobe, ayaw kasi mag open ng mga PDF files ko e. tsaka na ban ako sa gendou, kasi over flooding raw ako at nagkaka error everytime na may diniDL ako dahil sa lintik ko na DAP.
*sigh.. kung mayaman lang sana ako, di na sana ako kumakayod ng ganito, tsaka di naman ako ganun ka tanga na i-blame sa gobyerno o sa pangulo yung problema ko e, kasi di naman sila yung kumakayod para mabuhay ako kundi ang sarili ko lamang. Tsaka kung mayaman lang sana ako, e di nagbabakasyon na ako sa abroad, tsaka kung mayaman naman ako, baka pagnakawan naman ako ng masasamang tao, at di makatulog nang mahimbing pag gabi kasi baka may magtangka sa buhay ko at agawin ang kayamanan ko.
No comments:
Post a Comment