HALF TIME
APRIL 12, 2007, thursday, 12pm, nasa taxi pa ako habang tinatawagan ako ni jayjay sa cellphone ni shoti, nagmamadali kong sinagot ang tawag, sa mga oras na yun, nasa harapan na ako ng ateneo, traffic kasi e, nag re-route pa kasi sa dahilang nasira ang bankerohan bridge. Unang mukhang sumambulat sa akin ay ang mukha ni benjie na nakaupo sa gazebo kasama si haydara, slow motion kong nilakad papunta kina haydara at dali-dali kong hinagkan siya, then may boses na tumawag sa may bandang kaliwa ko. Boses ni jayjay, then pinuntahan ko agad sila, shock na shock si shoti sa haircut ko, (sino ba namang hindi ano!), then na meet ko si anito/kimberly, isang fellow anime afficionado rin, natatawa nga ako sa mga sinasabi ni shoti e... "momo.. JAPANESE AIR!!!" habang pinapakita ang isang bagay na may lamang hangin na matatagpuan sa mga boxes para i-fill ang space ng lalagyan. Sa mga oras na yun wala pa si rhet, so di na nakakapagtaka...
Off we go papuntang ramen tei (tama ba jay?) malapit sa venue, sakay ng taxi habang pinag-uusapan namin si teppei. pagkapasok palang namin sa loob, bumungad na sa amin ang mga negosyanteng Hapon na kumakain ng ramen kasama ng may-ari ng kakainan namin, umupo kami sa likuran nila, may lumapit sa amin na babae na binigyan kami ng menu at kinuha mga orders namin, lahat kami umorder ng shoyu ramen, habang silang dalawa ni shoti at anito umorder ng gyoza, kami ni anito mango juice at nakalimutan ko yung drinks na inorder ni shoti. Tumatawa kaming pinag-uusapan ang "Fun with Akatsuki" (dapat manood ka!! nakakatawa sobra! ewan ko na ka lang sayo kung di ka makarelate), habang si shoti gustong gustong kausapin ang may-ari ngunit nahihiya pa, then after some few minutes, dumating na order namin, and it's to eat!! wee~!!! ang sarapa sarap.. sa kalagit-naan pa lang ng topic namin, biglang nag ring ang telepono ni shoti, tumatawag pala si rhet, sabi ni shoti " I am not gonna answer it" then sumang-ayon rin kaming dalawa ni anito, then walang choice si jayjay, so xa na yung sumagot, nagtatanong si rhet kung saan na raw kami, kasi kakagising lang daw niya.. *sigh.. haaaaaay, naku rhet..
Fast Forward.. at last.. patapos na kaming kumain ng ramen at gyoza ng biglang dumating si rhet ala grand entrance, ahehehe.. so sa mga oras na yun, ubos na ramen namin, lumapit na naman yung babae sa amin to take rhet's order, same rin pala sa amin, yung shoyu ramen din yung inorder nya. Then we talked and talked and laugh a lot dun sa ramen-tei.. Very hospitable yung may-ari ng restaurant at maalaga sa costumer, then nagbayad na kami halos malaki-laki rin ang binayad namin, kasi yung shoyu ramen cost around 130pesos then yung gyoza 80pesos then yung drinks mga 35pesos... after some few minutes, nagpalipas muna kami ng ilang oras, then pinag-usapan namin ni rhet yung napagplanuhan namin na maghanap ng trabaho at ako naman maghahanap ng mapapasukang paaralan. Before kami umalis sa ramen-tei.. nagpasalamat muna kami, last akong lumabas e, pero bago ako lumbas dapat magpasalamat ka muna, i bow sa may-ari then thank him for the delicious meal, take note, in japanese pa, kyaaaa, never really thought na kakausapin nya ako in japanese, then he asked kung hapon ba raw ako, ang sabi ko naman half-japanese at half filipino then palabas na ako, bow pa rin ng bow, sakit sa likod infairness... then shoti got jealous.. ahihihihih.. kasi nakausap ko yung may ari, alam ko namang gustong gusto niya kausapin yung may-ari e, di nya lang nagawa.
6 comments:
i want to eat ramen too!!!
*drool..
-nagmarathon ako ng cooking master boy during the holy week.. taba ko na ngayon.. hehe(punishment ni God?)
nyahahah kakain rin kami dyan... kng may time XD
@ ira... u should try .. so sarap!!! sefinitely magugustuhan mo.. tsaka i have a feeling na magiging regular ako sa ramen-tei
@kate... kyaaaa!!!! masarap ang food i assure you.. may kamahalan nga lang pero sulit at malaki at lalagyan..:P
lols.. shoti did get jealous i guess... ahah.... Can imagine his face too. lmao. XD
@alain.. yup yup yup... kakatuwa nga reaction nya e.. sabi nya " i should have stayed long.. tsk tsk tsk."
@momo
yah we're definately gonna eat there... plano pa kng kelan... 'alm mo naman klase nah... ~_~ and people are very busy. XD
Post a Comment